Tuesday, February 8, 2011

Puppy Love (Rinna)

High school ng una kong naramdaman ang ma-in-love. Si Rinna. Maganda si Rinna. In fact, madaming nanliligaw sa kanya. Naging kaklase ko sya nung 3rd year high school. Hindi naman biglaan lang ang "affair" namin. Nagsimula yun ng lagi ako tinutukso ni Rinna kay Laurie. Si Laurie talaga ang crush ko noon. Matalino at maganda si Laurie. Petite. Ako naman e geeky na estudyante lang. Mahiyain, payat, naka-salamin, kulot ang buhok na hindi nasusuklay. Basta mag-imagine ka na ng nerd, ako na yun.

Pareho kami ng ruta pauwi ni Rinna, kaya madalas ko sya makasabay sa jeep. Doon kami lalo nagsimulang maging close sa isa't isa. Noong una, lagi nya ko tinutukso kay Laurie, alam kasi ni Rinna na may gusto ako kay Laurie. Tinuturuan nya pa nga ako kung paano manligaw. Kaso, yun ang mga panahon na laging wala si Laurie dahil lagi sya ipinang-lalaban ng school namin sa kung saan-saang competiton. Noong panahon ding yun, hindi pa uso unlimited texting, pero uso na cellphone (3310!). Palagi kami magka-text noon ni Rinna. Pero hindi na si Laurie pinag-uusapan namin. More on "kami" na yung napag-uusapan namin. Hanggang ayun nga, nahulog na ang loob namin sa isa't isa.

Ang problema, tanga ako. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya nararamdaman ko. Sa sobrang bagal ko, naunahan ako. Third year kami nun, may nanliligaw sa kanyang 4th year. Nagulat na lang ako, biglang sila na nung Corps Commander ng CAT. Ano ba namang panlaban ng nerd sa isang matikas na Corps? ... Nahulaan mo! Wala! :)

Bilang first love ko yun, napakasakit sa pakiramdam. Emo-emo pa ko noon. Pero pag naaalala ko ngayon, tinatawanan ko na lang. Haha! Hindi mo alam kunga maiinis ka ba o matatawa na lang. O well, lahat naman ata e dumaan sa ganitong point ng buhay nila. XD

One More Try

After 2 years ng simulan ko ang blogspot page na ito, hanggang apat na posts lang ako, nagsawa na agad. Subukan kong buhayin itong muli. Sa kaisa-isang rason... kelangan ko ng outlet.

Since wala naman may kilala sakin dito, ikukwento ko na lahat dito (or not).

Wednesday, February 25, 2009

Some Weird Stuffs About CheeseBryx

weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird----

8 things you probably dont know about me

1. Ayoko pa grumaduate. 4th year na ko... Kaya ko ata grumaduate ng summer '09, pero ginawan ko na ng paraan para wag muna.. Hehe... Madami pa ko gusto gawin bago tuluyang grumaduate.. XD

2. Ayoko magpa-dominate sa ibang tao. (Wala sa itsura.. Mukha ata akong submissive e..) Siguro may times naman na hindi.. Pero madalas ako ganito... Lalo na kapag alam kong may point slash tama ako.. Madalas, ayoko magpatalo... I'm COMPETITIVE......

3. Gusto kong pangalan ng mga anak ko ay Mayumi, Makisig, at Bughaw. Latest addition yung bughaw sa list ko ng names... Pero kung ayaw ng asawa ko ng Tagalog names, pwede na rin ang Alexander at Sarah....

4. Mabilis ako tumaba at pumayat. Proof: Nung 1st year college ako, around 95 lbs lang ako...Pagkatapos ng school year, tumaas ng 136 lbs.. Tas nung 3rd year, bumaba na naman sa 120lbs.. Anlaki ng gaps no? Pero ngayon medyo constant na siya.. Nag-la-laro na lang siya around 120-125 lbs...

5. Allergic ako sa milk products. Ansaklap nito.. Kasama dito ang ice cream, chocolate, pizza, cheese and other foods I love.. Pero di naman totally bawal, moderate lang daw sabi ng doktor... Ngapala, hindi ito yung allergy na nangangati... Eto yung allergy na sumasakit ang ulo ko ng sobra.. Thyromones ek-ek daw..... Nasabi ko bang matigas ang ulo ko?

6. The superpower I like most...... Ay yung sa X-Men ay yung kay Pyro (para sa Heroes viewer, yung sa nanay ni Claire) ... Sa mga di pa rin nakagets kung ano yun, Fire... Arsonista? Hmm..... Pwede....

7. Speaking of apoy... Takot naman ako sa sunog. Ironic no? Gusto ko manunog pero ayoko ng sunog... Basta.. Sa imagination ko lang ako nanununog...

Cause: Natrauma ako sa Ozone Disco incident nung bata ako.. (Naalala nyo ba to?) Dahil palabas siya sa lahat ng channel noong mga panahon na yon (pati sa Joe d'Mango tungkol dito yung kwento!). Napapanaginipan ko tuloy siya nung bata ako..

8. I tend to see good things at people... Bihira ako maasar sa tao dahil iniisip ko na may mabuti palagi sa kanila.. Kaya kapag nagalit slash nainis ako sayo, kasalanan mo na talaga yun... OO, KASALANAN MO... WAG KA NA MAKIPAGTALO SAKIN... KASALANAN MO TALAGA!!!

XP

6 weird/gross things that you probably don’t know about me

1. Nakatikim na ko ng langaw. Ang kwento: Bobo kasi yung langaw... Naghahabulan kasi kami ng mga pinsan ko (elementary days to..) E masaya ata akong tumatakbo so medyo nakanganga ako tapos yun na... Na feel kong may pumasok na something sa bibig ko... Pagdura ko, langaw nga... (Di ko alam kung namatay sya...)

2. Mahilig ako magpalaman ng 'mayonaisse + chips', or 'jam + chips sa tinapay'. Basta hahit anong spread (except for peanut butter) + chips... Madalas cheese flavored na junkfoods like piattos, clover, etc.. Masarap sya.. :D

3. Kaya ko matulog halos kahit saan. Ang pinaka-weird, habang nag-shoshower... Na-master ko na din ang pagtulog ng nakaupo na hindi halata... Kayang bilangin sa isang kamay ang classes ko na hindi ako nakatulog... Narcolepsic ata ako..

4. Favorite ko amuyin ang kilikili ng mga kapatid ko. Pero lumalaki na sila kaya parang ayoko na.. Hehe.. (6 and 7 yrs old na sila)

5. Kaya ko mag-burp intentionally... Pag nakita tayo, gusto mo ng sample?

6. Kinakabahan ako kapag nagpapa-blood pressure test. Inaccurate tuloy ang lumalabas laging result sakin...