Tuesday, February 8, 2011

Puppy Love (Rinna)

High school ng una kong naramdaman ang ma-in-love. Si Rinna. Maganda si Rinna. In fact, madaming nanliligaw sa kanya. Naging kaklase ko sya nung 3rd year high school. Hindi naman biglaan lang ang "affair" namin. Nagsimula yun ng lagi ako tinutukso ni Rinna kay Laurie. Si Laurie talaga ang crush ko noon. Matalino at maganda si Laurie. Petite. Ako naman e geeky na estudyante lang. Mahiyain, payat, naka-salamin, kulot ang buhok na hindi nasusuklay. Basta mag-imagine ka na ng nerd, ako na yun.

Pareho kami ng ruta pauwi ni Rinna, kaya madalas ko sya makasabay sa jeep. Doon kami lalo nagsimulang maging close sa isa't isa. Noong una, lagi nya ko tinutukso kay Laurie, alam kasi ni Rinna na may gusto ako kay Laurie. Tinuturuan nya pa nga ako kung paano manligaw. Kaso, yun ang mga panahon na laging wala si Laurie dahil lagi sya ipinang-lalaban ng school namin sa kung saan-saang competiton. Noong panahon ding yun, hindi pa uso unlimited texting, pero uso na cellphone (3310!). Palagi kami magka-text noon ni Rinna. Pero hindi na si Laurie pinag-uusapan namin. More on "kami" na yung napag-uusapan namin. Hanggang ayun nga, nahulog na ang loob namin sa isa't isa.

Ang problema, tanga ako. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya nararamdaman ko. Sa sobrang bagal ko, naunahan ako. Third year kami nun, may nanliligaw sa kanyang 4th year. Nagulat na lang ako, biglang sila na nung Corps Commander ng CAT. Ano ba namang panlaban ng nerd sa isang matikas na Corps? ... Nahulaan mo! Wala! :)

Bilang first love ko yun, napakasakit sa pakiramdam. Emo-emo pa ko noon. Pero pag naaalala ko ngayon, tinatawanan ko na lang. Haha! Hindi mo alam kunga maiinis ka ba o matatawa na lang. O well, lahat naman ata e dumaan sa ganitong point ng buhay nila. XD

No comments:

Post a Comment