Wednesday, February 25, 2009

Some Weird Stuffs About CheeseBryx

weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird-----weird----

8 things you probably dont know about me

1. Ayoko pa grumaduate. 4th year na ko... Kaya ko ata grumaduate ng summer '09, pero ginawan ko na ng paraan para wag muna.. Hehe... Madami pa ko gusto gawin bago tuluyang grumaduate.. XD

2. Ayoko magpa-dominate sa ibang tao. (Wala sa itsura.. Mukha ata akong submissive e..) Siguro may times naman na hindi.. Pero madalas ako ganito... Lalo na kapag alam kong may point slash tama ako.. Madalas, ayoko magpatalo... I'm COMPETITIVE......

3. Gusto kong pangalan ng mga anak ko ay Mayumi, Makisig, at Bughaw. Latest addition yung bughaw sa list ko ng names... Pero kung ayaw ng asawa ko ng Tagalog names, pwede na rin ang Alexander at Sarah....

4. Mabilis ako tumaba at pumayat. Proof: Nung 1st year college ako, around 95 lbs lang ako...Pagkatapos ng school year, tumaas ng 136 lbs.. Tas nung 3rd year, bumaba na naman sa 120lbs.. Anlaki ng gaps no? Pero ngayon medyo constant na siya.. Nag-la-laro na lang siya around 120-125 lbs...

5. Allergic ako sa milk products. Ansaklap nito.. Kasama dito ang ice cream, chocolate, pizza, cheese and other foods I love.. Pero di naman totally bawal, moderate lang daw sabi ng doktor... Ngapala, hindi ito yung allergy na nangangati... Eto yung allergy na sumasakit ang ulo ko ng sobra.. Thyromones ek-ek daw..... Nasabi ko bang matigas ang ulo ko?

6. The superpower I like most...... Ay yung sa X-Men ay yung kay Pyro (para sa Heroes viewer, yung sa nanay ni Claire) ... Sa mga di pa rin nakagets kung ano yun, Fire... Arsonista? Hmm..... Pwede....

7. Speaking of apoy... Takot naman ako sa sunog. Ironic no? Gusto ko manunog pero ayoko ng sunog... Basta.. Sa imagination ko lang ako nanununog...

Cause: Natrauma ako sa Ozone Disco incident nung bata ako.. (Naalala nyo ba to?) Dahil palabas siya sa lahat ng channel noong mga panahon na yon (pati sa Joe d'Mango tungkol dito yung kwento!). Napapanaginipan ko tuloy siya nung bata ako..

8. I tend to see good things at people... Bihira ako maasar sa tao dahil iniisip ko na may mabuti palagi sa kanila.. Kaya kapag nagalit slash nainis ako sayo, kasalanan mo na talaga yun... OO, KASALANAN MO... WAG KA NA MAKIPAGTALO SAKIN... KASALANAN MO TALAGA!!!

XP

6 weird/gross things that you probably don’t know about me

1. Nakatikim na ko ng langaw. Ang kwento: Bobo kasi yung langaw... Naghahabulan kasi kami ng mga pinsan ko (elementary days to..) E masaya ata akong tumatakbo so medyo nakanganga ako tapos yun na... Na feel kong may pumasok na something sa bibig ko... Pagdura ko, langaw nga... (Di ko alam kung namatay sya...)

2. Mahilig ako magpalaman ng 'mayonaisse + chips', or 'jam + chips sa tinapay'. Basta hahit anong spread (except for peanut butter) + chips... Madalas cheese flavored na junkfoods like piattos, clover, etc.. Masarap sya.. :D

3. Kaya ko matulog halos kahit saan. Ang pinaka-weird, habang nag-shoshower... Na-master ko na din ang pagtulog ng nakaupo na hindi halata... Kayang bilangin sa isang kamay ang classes ko na hindi ako nakatulog... Narcolepsic ata ako..

4. Favorite ko amuyin ang kilikili ng mga kapatid ko. Pero lumalaki na sila kaya parang ayoko na.. Hehe.. (6 and 7 yrs old na sila)

5. Kaya ko mag-burp intentionally... Pag nakita tayo, gusto mo ng sample?

6. Kinakabahan ako kapag nagpapa-blood pressure test. Inaccurate tuloy ang lumalabas laging result sakin...


4 comments:

  1. Number 1 in your 6 weird.. is funny. Very. I laughed out loud..wahahahahah! Ba't naman kasi naka nganga ka?!

    Pero yung number 1 mo sa 8 things mo parang dpat sa 6 weird din..Ang daming atat nang grumauate tas ikaw ayaw mo pa?!!!

    Anyways, thanks for the visit... and for following my blog. Just so you know, Dylan is a girl. ;)

    Cheers!

    ReplyDelete
  2. lahat naman ata ng bata at one point in their life nakakain/lunok ng insekto... ganun din ako...dami ko atang nalunok na lamok nung bata ako... pano, mahilig sumigaw habang nakikipaghabulan.

    ReplyDelete
  3. lols natawa ako dun sa mga hirit mo...hehehe

    bagong membro ba ng mga blagero?
    welcome welcome parekoy!

    kitakits

    ReplyDelete
  4. @ Dylan
    -hehe.. hindi ko din maalala kung bakit ako nakangaga nun.. tama ata si gillboard, sumisigaw din ata ako habang tumatakbo.. XD

    weird pala yung ayaw grumaduate... sabagay... dahil sa pressures siguro ng pagiging panganay kaya ayoko pa grumaduate.. tumatakas sa responsibilidad.. haha..

    at opo, alam ko pong girl kayo.. XD

    @gillboard
    -haha.. akala ko ako lang ang may ganitong experience... mga bata talaga.. wahehehe...

    @Kosa
    -yup, bago lang ako dito...
    medyo nangangapa pa nga e..
    maraming salamat sa pag-welcome!
    sobrang na-appreciate ko.. XD

    ReplyDelete